Buti na lang at walang pasok ngayon dahil mugto ang mga mata ko sa kakaiyak kagabi. I tried holding back my tears last night but I couldn’t. What she did stirred my emotions too much and I had a hard time because I felt like I was going to get dehydrated. Hinintay ko pang mag-hatinggabi bago bumaba para makainom ng tubig. Nang makarating ako sa dining area ay umupo muna ako habang hawak ang isang baso ng tubig. The night was silent and somehow, it was kind of soothing. “O sige, magpapadala ako bukas—” Our gaze met each other and even though it was dark, I could see the surprised look on his face followed by an honest smile. Umiwas ako ng tingin at tumalikod sa kanya pero narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya. “Kain na tayo,” sabi niya at binuksan niya naman ang ilaw. Dumiretso siya sa kusina at naghain para sa aming dalawa habang ako ay tahimik lang na nakahawak sa baso ko. We quietly ate our food and I was trying real hard to hold back my tears. Ayaw ko nang makita niya akong umiiyak. Ayaw ko nang may makakita sa akin na umiiyak. I felt like a weak person by exposing my vulnerable side to someone. “You fought well,” he suddenly said and I immediately felt a lump in my throat. Agad kong naalala ang nangyari kanina at ang pinipigilan kong luha ay kusang tumulo. “Bwisit ka talaga,” I muttered but he just laughed it off. “Okay lang ‘yan. Ako lang naman ang nakakakita.” “At ano? Balak mo pang panoorin ako lagi na umiiyak?” pagalit kong tanong. “Pwede naman.” Sinasagot-sagot ko na lang siya dahil ayokong maging mabigat na naman ang pakiramdam ko. Ilang beses akong huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili ko at ilang beses ko rin siyang sinamaan ng tingin. Siya na rin ang nagligpit ng pinagkainan namin dahil wala pa rin ako sa sarili. Natatakot akong baka bigla na lang pumunta rito si Mom at hindi ko alam ang gagawin ko. I hated her for what she did and said over the phone last time but when she hugged me, I felt conflicted and for a second, I was tempted to hug her back . . . to forgive her. However, I realized it wasn’t worth it. It shouldn’t be that easy. “Alam mo, mukhang mabait naman ang Mommy mo,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. “Tinitignan ko siya kanina kung paano siya nakikipaglaro kina Czanelle at Clark.” “Sa kanila lang,” I said and I could taste the bitterness of my own words. “Siguro nga,” sabay tayo niya. “Mukhang hindi na talaga kayo close nang mag-usap kayo kanina. Kahit noong unang beses ko rito, gano’n din ang naramdaman ko.” Naalala ko naman ang araw na ‘yon at kung paano ako inakbayan ni Dad. Kinilabutan ako no’n dahil hindi na ako sanay sa physical contact pagdating sa kanila. Mom also wanted to talk to me that day but I didn’t give her the chance because I was too infuriated by the existence of my younger siblings. Pumunta ako sa sala at sumunod naman siya sa akin. Binuksan ko ang TV at naghanap ng pwedeng makapag-distract sa akin hanggang sa mapunta ako sa isang documentary. It was about old parents abandoned by their children and it was so heartwrenching that even Jazer shed tears. “May gusto ho ba kayong sabihin sa mga anak n’yo na may kanya-kanya nang pamilya ngayon?” tanong ng documentarist. “Kumusta na kayo, mga anak?” the old lady sobbed. “Sana ay okay at masaya kayo. Masaya na ako ro’n. Kahit na hindi n’yo ako maalala, ako araw-araw kong ipinagdarasal na sana maayos ang mga buhay ninyo. Mahal na mahal ko kayong lahat.” “May kanya-kanya na silang pamilya at ayaw ko na ring maging pabigat,” sabi naman ng isang matandang lalaki. “Siguro ay kinamumuhian ako ng mga anak ko dahil strikto ako sa kanila noong mga bata pa sila,” dagdag niya at habang nakangiti siya ay tuluy-tuloy naman ang pag-iyak namin ni Jazer. “Lahat kasi sila ay babae at bilang ama, gusto kong lumaki sila nang maayos. Gusto ko lang sabihin na kahit ganoon ang pagpapalaki ko sa kanila ay itinuring ko pa rin silang mga sarili kong prinsesa.” Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong umiiyak dahil sa palabas na ‘yon, basta ang alam ko lang ay hindi ko na ‘yon natapos at paggising ko ay nasa kwarto na ako. My eyes were swollen and my head felt like it would burst anytime. Napaisip naman ako kung paano ako napunta rito. Did I sleepwalk or did he carry me? “Ate?” Napatingin naman ako bigla sa pinto nang marinig ko ang boses ni Czanelle at sinundan ‘yon ng pagkatok. “Are you awake na?” I didn’t answer. Naghintay ako ng ilang segundo at mukhang wala na siya ro’n kaya binuksan ko ang pinto pero nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo sa harapan habang naka-pout. When she saw me, her face brightened up and broke into a grin. “Ate!” she excitedly called as she clung onto my right leg. “What?” “Sama, ate. Let’s eat. Please?” I gave in when she used those big eyes and pouty lips of her. Sabay kaming bumaba pero napatigil ako nang maalala kong nandito nga pala si Mom. Tumingin ako sa paligid dahil baka bigla na lang siyang lumabas at ayaw kong makita siya matapos ang nangyari kahapon. “Wala ang Mommy mo. May pinuntahan.” Napatingin naman ako kay Kuya Larry na kalalabas lang mula sa dirty kitchen. I was a bit flustered but I managed to regain my composure. “Hindi ko naman siya hinahanap,” sagot ko at napatingin naman ako sa sala. “Wala rin si Jazer. Maagang umalis,” sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ko rin siya hinahanap.” “Eh sinong hinahanap mo at kanina ka pa lingon nang lingon?” “Wala,” sagot ko at saka kami dumiretso ni Czanelle sa dining area. “Okay, sabi mo, eh. Text mo na lang siya kung gusto mo,” dagdag pa niya kaya sinamaan ko na siya ng tingin. “O, eto na nga, titigil na,” saka siya lumayo habang nakangiti nang nakakaloko. Mukhang namalengke si Nanay Meling kaya ako ang nilapitan ng bubwit na ‘to para samahan siyang kumain. I prepared a bowl of cereal for her while I chose to eat a French toast. “Ate, your eyes are small,” she said while pointing at my swollen eyes. I was startled when she suddenly stood on her chain and gently touched my eyes with her little hand. “Is it painful, Ate? Are you hurt?” Nakatulala lang ako sa kanya habang nakalagay ang mga kamay niya sa magkabilang mata ko. Inalis ko naman kaagad ang kamay niya sa at pinaupo ko siya dahil pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako. “Eat your food,” I ordered and she started eating again. Minsan, parang hindi siya bata kung magsalita. Her words were too affectionate and sincere that I felt guilty every time I shut her down. Pagkatapos naming kumain ay nag-stay kaming dalawa sa sala pero nang marinig ko ang pag-iyak ni Clark ay agad akong umakyat sa kwarto nila. I was there for a few minutes, hesitant to carry him, but when he saw me, he suddenly raised his arms to my direction. “Damn it,” I murmured as I tried to remember Jazer’s words on how to carry him. Ilang minuto akong nagtagal doon bago ko tuluyang nakarga si Clark. It felt like I already burned the calories from my breakfast with those attempts to properly carry him. Pagpunta namin sa sala ay binaba ko kaagad siya sa couch at tahimik silang nanood ni Czanelle ng cartoons. Lumipat naman si Czanelle ng pwesto at naupo siya sa lap ko. Napagtripan ko naman ang buhok niya at bigla ko tuloy siyang ginawang human barbie doll. I tried several hairstyles and she didn’t complain. After some considerations, I ended up styling her hair with twin buns and she looked really cute. “I’m a rabbit!” sigaw niya at nagsimula na silang magtatalun-talon ni Clark. Pinicture-an ko naman sila pero wala akong magandang kuha dahil ang gulu-gulo nilang dalawa. I was about to tell them to pipe down a bit but my body stiffened when Mom suddenly appeared and sat beside me. Tumakbo naman sina Czanelle at Clark papunta sa kanila at niyakap niya ang dalawa. Ni hindi ko man lang napansin na dumating na siya. Nang nagkatinginan kami ay sinalubong niya ako ng ngiti kaya napatingin ako sa ibang direksyon. “Chloe,” she called but before she could utter her next words, I already cut her off. “I . . . I have something to do,” I said and left the three of them in the living room. Mabilis akong naglakad palabas ng bahay pero napahinto ako nang makita ko si Jazer sa pintuan na nakatingin sa amin. I was taken aback for a few seconds but I pulled myself together and continued walking. Nagsimula akong maglakad sa subdivision at buti na lang ay makulimlim ang langit. Nang makalayo ako ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. I don’t know why but whenever I see her, my defense mechanism is “flight.” “Saan ka pupunta?” “Oh my God!” Muntik na akong madapa dahil sa gulat nang marinig ko ang boses ng bwisit na ‘yon sa gilid ko. Hindi ko napansin na nakasunod siya at nginitian niya naman ako kahit na ang sama na ng tingin ko sa kanya. Huminga naman ako nang malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko na lang siyang sumunod dahil wala na akong energy para makipag-away sa kanya. “Hindi ka talaga papatibag, ano?” sabi niya at alam kong ang tinutukoy niya ay ang nangyari kanina. “Of course. I already built a fortress,” I responded, going along with his metaphor. “Bakit?” tanong niya habang nakatingin sa langit. “You won’t see anything and people won’t understand you if you keep on hiding behind your wall.” This time, napatingin ako sa kanya. Hindi siya ang Jazer na maloko ngayon at bakas naman sa mukha niya ang pagiging seryoso. “People build walls because they’re afraid to get hurt,” I said. “I’m just protecting myself.” “Why not let your family protect you?” Family, huh? I couldn’t even use that word because it felt like I wasn’t a part of that. It was kind of strange to hear I have one when all my life, I was left alone by them. “How can I let them protect me if they’re the ones who keep on hurting me?” I retorted. “Maybe in others’ eyes, in your eyes, I’m an ungrateful daughter but I do not care anymore.” “Then how about . . .” His voice faltered. “Nevermind.” Tinignan ko naman siya at gaya kanina ay nginitian niya lang ako. Tahimik lang kaming naglakad at nang nauuna na siya sa akin ay nakatingin lang ako sa likod niya. Now that I think about it, this guy is always there whenever I need someone to talk to . . . whenever I’m on my weakest. “You have a wide back,” bigla kong nasabi kaya napatigil ako. Damn it! “Talaga?” sabay lingon niya habang nakangiti. Tinapik naman niya ang bandang balikat niya sabay sabing, “pwede mong gawing iyakan. Ipapahiram ko sa’yo.” “At sinong may sabing iiyak pa ako?” “’Yan din ang sinabi mo dati—” “Manahimik kang bwisit ka!” sigaw ko naman at bigla siyang tumawa na para bang wala nang bukas. Pinulot ko ang bato sa gilid ng daan pero nagulat ako nang tumahol ang aso sa bahay na nasa tapat namin. Lalong tumawa si Jazer kaya hinabol ko siya at binato pero nakaiwas ang bwisit. I picked more stones along the way, throwing them at his direction while he laughed his arse off. I didn’t get to play with kids my age during my childhood and it felt like I was back to being a kid again but this time, I have someone to play with. This time, I wasn’t alone.
Comments
|
chaptersPrologue Chapter 1 Chapter 2 Chapter 3 Chapter 4 Chapter 5 Chapter 6 Chapter 7 Chapter 8 Chapter 9 Chapter 10 Chapter 11 Chapter 12 Chapter 13 Chapter 14 Chapter 15 Chapter 16 Chapter 17 Chapter 18 Chapter 19 Chapter 20 Chapter 21 Chapter 22 Chapter 23 Chapter 24 Chapter 25 Chapter 26 Chapter 27 Chapter 28 Chapter 29 Chapter 30 Chapter 31 Chapter 32 Chapter 33 Chapter 34 Chapter 35 Chapter 36 Chapter 37 Chapter 38 Chapter 39 Chapter 40 Chapter 41 Chapter 42 Chapter 43 Chapter 44 Chapter 45 Chapter 46 Chapter 47 Chapter 48 Chapter 49 Chapter 50 Chapter 51 Chapter 52 Chapter 53 Chapter 54 Chapter 55 Chapter 56 Chapter 57 Chapter 58 Chapter 59 Epilogue Bonus Chapter |